Kalibo, Aklan – Matapos ang 1 araw na fabrication at 1 araw na installation nakumpleto ng Aklan Provincial Engineering’s Office ang karagdagang kuwarto para sa mga Corona Virus Disease COVID-19 patients.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer I ng PHO-Aklan ang nasabing mga kuwarto ay nilagyan ng 6 feet by 6 feet na division para magkaroon ng privacy ang bawat COVID-19 patients na maconfined doon.
Sa ngayon aniya ayon kay Dr. Cuachon merong 6 na kaso ng COVID-19 sa Aklan, ang 2 payente mula sa bayan ng Kalibo at Libacao ay nananatili ngayong nasa 3rd floor ng provincial hospital, ang pasyenteng naman mula sa Altavas ay naitransfer from Roxas Memorial Provincial Hospital to Western Visayas Medical Center sa Iloilo City at ang pasyente naman mula sa Malay ay naka isolate na ngayon sa Aklan Training Center ang temporary holding facility ng lalawigan…
DAGDAG NA KWARTO PARA SA COVID-19 PATIENTSSA AKLAN IPINAGAWA
Facebook Comments