Nagsagawa ng pagsasanay at talakayan para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa ilalim ng Gender and Development (GAD) program.
Idinaos ang aktibidad noong Oktubre 30 sa Women’s Center, kung saan tinalakay ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression o SOGIE at nagsagawa ng aktuwal na pagsasanay sa paggawa ng dishwashing liquid.
Dumalo sa aktibidad sina Acting Mayor Dean Bryan L. Kua at Councilor Liberato Karlos Reyna IV, kasama ang mga kinatawan ng GAD office.
Bahagi ang programa ng mga hakbang ng lungsod upang magbigay ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community na maaari nilang magamit sa paghahanapbuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments












