Isinasagawa sa kasalukuyan ng CEO ang survey para sa planong road elevation at pagtatayo ng bagong drainage system sa Ayusip Street, Dagupan City, katuwang si Kapitan Joseph Maramba.
Layunin ng paunang survey na matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa pagpapatupad ng proyekto na inaasahang makatutulong sa pagpapabuti ng kondisyon ng kalsada at daloy ng tubig sa lugar.
Pinopondohan ng lokal na pamahalaan ang nasabing proyekto, gamit ang pondo ng bayan na nagmumula sa buwis ng mga mamamayan.
Patuloy na isinusulong ang mga proyektong pang-imprastraktura upang mapabuti ang mga pasilidad at serbisyong nakikinabang ang mga residente ng Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










