DALAWA, ARESTADO SA ANTI-ILLEGAL GAMBLING OPERATION SA URDANETA CITY

Naaresto ang dalawang indibidwal sa isinagawang operasyon laban sa ilegal na pagsusugal sa Brgy. Anonas, Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon sa ulat, naaresto ang dalawa at nakumpiska ang ilang kagamitan sa pagsusugal.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang pad ng polyeto o papelitos at ₱10,130.00 na bet money.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa PD 1602.

Patuloy namang pinaigting ng kapulisan ang kampanya laban sa ilegal na sugal sa lalawigan bilang bahagi ng kanilang layunin na masugpo ang ganitong uri ng krimen.

Hinihikayat din ng mga awtoridad ang publiko na makipagtulungan at ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang agad marespondehan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments