Dalawampu’t limang modular shelter units ang ibinigay noong Abril 14 sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng Bagyong Uwan sa Brgy. Cayanga, San Fabian, Pangasinan.
Ang mga itinuring na benepisyaryo ay pawang mga residenteng lubos na naapektuhan ng kalamidad tulad ng mga bahay na tuluyang nasira dahil sa bagyo.
Mabibigyan sila ng pansamantalang pabahay na yari sa pre-fabricated materials na madaling i-assemble upang makapagbigay ng agarang tirahan habang isinasagawa ang rehabilitasyon sa kanilang lugar.
Isinagawa ang ceremonial turnover ng mga shelter sa Bagong Pamayanan Village na sinimulan sa blessing at ribbon cutting.
Ang proyekto ay ipinatupad sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng Department of Human Settlements and Urban Development bilang bahagi ng pabahay at recovery program para sa mga naapektuhan ng sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










