Ayon sa konseho, mas talamak sa kabataan ang psychological distress at online exposure, na maaaring magtulak sa tinatawag na “copycat effect” o panggagaya.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), isa sa bawat sampung indibidwal na may edad 18 hanggang 38 ang nakakaranas ng suicidal thoughts.
Naitatala rin umano ang pagtaas ng mga insidente kaugnay ng “Werther effect,” kung saan ang hindi maingat o sensasyonal na pagbabalita ay maaaring manghikayat ng panggagaya.
Dahil dito, inirekomenda ng ahensya ang pagdulog sa mga nangangailangan ng tulong sa mga serbisyong pangkalusugan, kabilang ang crisis hotline na 1553.
Binanggit din ang kahalagahan ng mga naisagawang training sa media kaugnay ng responsable at maingat na pagbabalita upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng suicide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










