Dalawa katao arestado sa magkahiwalay na lugar dahil sa droga

Arestado rin kahapon ang isang Payong-payong driver ng mga element ng PP2 drug enforcement unit, katuwang ang PDEA-ARMM, makaraan ang drug buy bust operation sa biton area pasado alas onse ng tanghali, Kinilala ang nahuling suspect nasi Moner Esmael Omar 31 anyos na resident eng Mabini street barangay bagua tres, at nakuha sa kanyang posisyon ang dalawang sachet ng shabu at lighter. Ayon kay PP2 Sstation Commander PCI Efren Salazar, matagal na umanong tinitiktikan ng kanyang team ang galaw ng suspect dahil bukod sa pagda-drive ng Payong-Payong ay nagtutulak din ito ng droga kayat ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkahuli nito..Siyay nakapiit na at kakasuhan ng paglabag sa RA-9165.
Samantala Timbog din ang isang 32 anyos na carwash boy matapos itong mahuli kahapon alas singko ng hapon sa almonte extension ng mga barangay tanods ng Poblacion mother at mga kapulisan…Kinilala ang naaresto naso Nor Abu Guiama na resident eng Rebuken Sultan Kudarat maguindanao, nakuha sa kanyang posisyon ang isang sachet ng shabu. Ayon pa sa inisyal na inbestigasyon ng pp1 ni PCI Reynaldo Delanten, kahina-hinala umano ang galaw ng suspect habang nasa almonte extension kayat siyay sinita ng mga barangay tanods ni Kap.Nasser Usman, ng kapkapan ay tumambad ang isang sachet ng shabu at doon ay mabilis siyang hinuli at kaagad na tinurn over sa PP1…Sa ngayon ay nakapiit na ang suspect at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments