Balik-normal na ang biyahe ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang isinagawang pagpapalit ng uninterruptible power supply (UPS) sa Communication Navigation & Surveillance ng Air Traffic Management System ng (CAAP).
Bago ito, alas-8:00 kagabi nang mag-abiso ang CAAP sa mga foreign at local airline saka nagpalabas ng NOTAM na magkakaroon ng pagpapalit ng UPS.
Ayon kay CAAP Spokesperon Eric Apolonio, alas-6:09 kaninang umaga nang magbalik-normal ang operasyon ng paliparan.
Walong flights naman ang napaulat na naapektuhan ng repair na aniya’y na-manage naman ang air traffic controller sa NAIA.
Sa ngayon, fully-functional na ang dalawang UPS.
Ang hakbang na ito ng CAAP ay kasunod ng nangyaring aberya sa NAIA noong Bagong Taon kung saan nasa 65,000 mga pasahero ang naapektuhan.