Kalibo, Aklan— Wala ng recruitment ng New People’s Army o NPA sa dalawang barangay ng Libacao, Aklan. Ito ang sinabi ni Army Col. Orlado Edralin ng 301st Brigade ng Philippine Army sa panayam ng RMN DYKR Kalibo. Aniya na noong Marso 12 ay nagsagawa sila ng area clearing inspection sa mga barangay ng Dalagsaan at Manica dahil may nakapagbigay ng ulat na may nangyayaring recruitment ng kumunistang grupo. Dagdag pa nito na sinuportahan rin ng barangay at LGU ang naturang aktibidad kasama ng ELCAC regional chair. Maalalang may ilang myembro na ng NPA na narecruit sa ilang barangay ng Libacao na nauna nang sumuko sa gobyerno noong unang bahagi ng taon. Bagamat nananatiling insurgency free ang buong lalawigan, hindi rin umano maiisangtabi ang posibilidad na bumalik ang panghihikayat ng kumunistang grupo sa lugar dahilan para huwag magpalinlang ang publiko sa maling mga idolohiya. Sa kabilang dako sinabi rin ni Col. Edralin na mahigit 400 na mga myembro at supporters ng NPA ang sumuko na sa buong Panay island.
Dalawang barangay sa Libacao wala ng NPA recruitment ayon sa 301ST Brigade
Facebook Comments