
Magbabalik sa December 1 ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Matapos ang dalawang araw na impeachment trial ngayong linggo ay pansamantalang tigil muna ang paglilitis sa impeachment case ni Duterte dahil tututok muna ang Senado sa plenary deliberation ng panukalang 2027 budget.
Maliban kasi rito ay nakiusap ang defense team sa pangunguna ni Atty. Shiela Sison na hindi sila available at ang kanilang mga testigo sa mga araw na November 26 at 27 na orihinal na schedule ng muling pagpapatuloy ng impeachment trial.
Pinagbigyan naman ito ni presiding officer Chiz Escudero dahil nangyari na rin ito noon sa prosecution tea,.
Dahil dito, sa December 1, 2, 3 at 4 magbabalik ang impeachment trial habang sa susunod na linggo ay magiging abala na ang mataas na kapulungan sa plenary deliberation para sa pambansang pondo .
Magpapatuloy ang trial sa ikalawang linggo ng Disyembre at kung kinakailangan pa ay hanggang sa ikatlong linggo ng susunod na buwan o sa December 14,15,16 at 17 o bago mag Christmas break.










