Banga, Aklan— Arestado ang isang dating security guard dahil sa illegal na armas sa isinagawang raid dakong alas 5:00 ng hapon noong April 27, 2021 sa Brgy. Venturanza, Banga.
Sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ng korte, siniyasat ng mga otoridad ang bahay ni Roberto Rocio 60 anyos residente ng nasabing lugar.
Nakuha ng mga otoridad ang isang Norinco 9mm. pistol at pitong live ammunition nito na nakalagay pa sa isang magazine.
Sa panayam ng RMN DYKR Kalibo kay Rocio, sinabi nito na nabigo siyang irenew ang mga dukomento ng kanyang armas dahil sa pandemic.
Minabuti niyang itago na lang ito sa kanilang bahay at aasikasuhin na lang ang renewal sa oras na maging maayos na ang lahat at hindi rin umano siya nagpapaputok nito sa kanilang lugar.
Dagdag pa nito na matagal na niyang nabili ang nasabing baril bilang proteksyon sa sarili.
Sa kabilang dako, pinabulaanan naman ni PLTCOL. Bernard Ufano ang naging pahayag ni Tabor na hindi ito nagpapaputom ng baril sa kanilang lugar.
Sinabi sa RMN News team ni PLTCOL. Ufano na may natanggap silang ulat na nagpapaputok ito ng kanyang baril sa nasabing lugar dahilan para isinailalim ito sa survielance at inaplayan nila ng search warrant sa husgado.
Inabisuhan rin nito ang mga nagmamay ari ng armas na walang dukomento o expired ang papeles na iturnover nalang ito sa mga police station.
Ngayong araw ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive firearms law sa Aklan Prosecutors Office ang nasabing suspek.
Dating security guard arestado dahil sa illegal na armas
Facebook Comments