Dating Senator Jinggoy Estrada – naghain ng 12-hou rs furlough sa Sandiganbayan; pagdalo sa kaarawan ng kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada – iginiit

54

Manila, Philippines – Naghain ngayon sa Sandiganbayan ng furlough si dating Senador Jinggoy Estrada.

 

Batay sa limang pahinang mosyon – hiniling ng senador sa anti-graft court 5th division na makalabas ito sa April 18 ng alas singko ng hapon hanggang April 19 upang makadalo sa ika-80 kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.

 

Binigyan diin ng senador na minsan lang umabot sa nasabing edad ang isang tao at umaasa ang kanyang ama na lahat ng kanyang anak ay naroon upang saksihan ito.

 

Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder at 11 counts ng graft dahil sa umanoy pagbulsa nito ng P180 million na kickback sa kanyang pork barrel.



Facebook Comments