
Tiwala si House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na mananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.
Sa kabila ito ng 90 araw na paghinto ng development assistance ng US sa ibang mga bansa, kasama ang Pilipinas.
Ayon kay Salceda, hindi naman US ang pangunahing pinagkukuhanan ng tulong ng ating bansa.
Diin ni Salceda, mas nangunguna sa pagbibigay sa atin ng aid ang Japan, World Bank, Asian Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank.
Para kay Salceda, mas mahalaga sa atin na magkaroon tayo ng patas na access sa merkado ng Amerika na siyang pinakamalaking export destination ng Pilipinas.
Facebook Comments