Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, may abilidad na pagkaisahin ang mga Pilipino – Gibo

441

Tiwala si dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro na magiging mahusay na pangulo ng bansa si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa isang interview, sinabi ni Teodoro na nakikitaan niya ng abilidad si Mayor Sara na gawing nagkakaisa ang mga tao, may malayang pag-iisip at may kakayahang pamunuan ang isang nakapakumplikadong lungsod gaya ng Davao.


Aniya, handa niyang suportahan ang alkalde sakaling magdesisyon itong tumakbo sa pagka-pangulo.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa masabi ni Teodoro kung tatakbo siya sa ibang posisyon sa 2022.

Facebook Comments