Online lenders na inirereklamo ng pangha-harass sa mga may utang sa kanila gamit ang social media, ipapatawag ng NPC

60

Nakatakdang ipatawag ng National Privacy Commission (NPC) ang mga online lending companies na inirereklamo ng pangha-harass sa mga nangungutang sa kanila sa Facebook.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na pagpapaliwanagin nila ang online lenders at kapag nabigong masagot ang mga reklamo ay pahaharapin nila ito sa legal na aksyon ng NPC.


Katunayan, may isang kompanya na silang inirekomeda para ma-prosecute.

Una nang naglabas ang NPC ng circular sa mga online lending apps kung saan ipinagbabawal ang pag-access sa contact list ng mga nangungutang at paggamit sa social media para maningil at mamahiya.

Facebook Comments