Reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law laban sa mga suspek sa pagkamatay sa hazing ni John Matthew Salilig, nakitaan ng probable cause ng DOJ

Nakitaan ng probable cause ng panel of prosecutor’s ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law of 2018 laban sa mga suspek sa pagkamatay sa hazing rites ng engineering student na si John Matthew Salilig.

Kabilang sa mga inirekomenda ng DOJ na kasuhan sa korte ang mga sumusunod:

1. Earl Anthony Osita Romero a.k.a. “Slaughter”;
2. Tung Cheng Benitez Teng, Jr. a.k.a. “Nike”;
3. Jerome Ochoco Balot a.k.a. “Allie”
4. Sandro Dasalla Victorino a.k.a. “Loki”
5. Michael Lambert Alcazar Ricalde a.k.a. “Alcazar”
6. Mark Muñoz Pedrosa a.k.a. “Macoy”
7. Daniel Delos Reyes Perry a.k.a. “Sting’


Sabit din sa kasong isasampa ng DOJ ang iba pang mga suspek na at large o hindi pa nadadakip.

2 counts ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law of 2018 ang isasampa sa korte laban sa 7 miyembro ng Tau Gamma Phi dahil sa pagkamatay ni Salilig at dahil din sa tinamong injuries ng isa pang hazing victim na si Roi Osmond dela Cruz.

Facebook Comments