
“Depende.”
Ito ang sinabi ni defense counsel Atty. Michael Poa nang tanungin ito kung gagawin din bang testigo ng defense team si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Poa, hindi pa ito napag-uusapan ng depensa dahil hindi rin pa nila alam kung kailan sila magpipresenta sa kanilang hanay.
Aniya, ang usapan kasi ay tatapusin muna ang lahat ng articles of impeachment bago magpresenta ng mga testigo at ebidensya ang defense team.
Samantala, nilinaw naman ni Poa na ang pagtatanong kay Matibag kung kinausap ito ng proseksyusyon ay para matest lamang kung ang naging pahayag niya ay rehearsed o hindi.
Kung saan ayon kay Poa ay naipaliwanag din naman ito ni Matibag ng maayos.
Nabatid na sinabi ni Matibag na sakali namang ipatawag sya ng defense team bilang maging testigo ay handa naman itong makipag-cooperate.










