Saturday, July 18, 2026

Senado, tiniyak na walang dagdag na gastos sa impeachment trial

Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na walang dagdag na gastos ang Senado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Gatchalian na itinuturing nilang mistulang plenary session o katulad ng kanilang day-to-day function ang ginagawang paglilitis.

Paliwanag ni Gatchalian, walang dagdag na gastos ang liderato dahil hindi sila nagdagdag ng mga tauhan. Wala rin aniyang idinagdag sa pagkain at iba pang gastusin.

Nagbibigay lamang sila ng mga pangunahing pangangailangan ng House prosecution panel at defense, tulad ng mga kuwarto, ngunit kanya-kanya silang gastos sa iba pa nilang pangangailangan tulad ng pagkain, printer, at Wi-Fi.

Nauna ring sinabi ni Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na hindi lumobo ang gastos ng Senado dahil sa impeachment, dahil ang mga kagamitang tulad ng mesa, witness stand, at mga upuan ay mga dati nang gamit na nakatabi sa bodega ng mataas na kapulungan.

Facebook Comments