Friday, July 17, 2026

PNP, sinabing mas ligtas ang Pilipinas ngayon kumpara noon

“Mas ligtas ang Pilipinas ngayon.“

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Col. Allen Rae Co nang tanungin ito kung ligtas pa ba ang Pilipinas m atapos ang sunud-sunod na mga krimen na naranasan ng bansa nitong nagdaang mga araw.

Nabatid na nagkaroon ng mga ulat ng pagpatay sa dalawang motorcycle taxi riders nitong linggo.

Kasunod pa ito ng viral photo ng isang rider na may nakasulat na paalala sa likod ng kanyang helmet na nagsasabing sana ay huwag itong saktan.

Ayon kay Co, naiintindihan ng pambansang pulisya ang pangarap ng bawat isa na gusto lamang makapaghanapbuhay ng maayos.

Dagdag pa nito, base sa statistics ay mas ligtas ang Pilipinas ngayon kumpara noon at ang nakikita lang umano ng taumbayan ay ang mga sensational na videos sa social media.

Samantala, inihayag ni Co na pinalalakas na ng PNP ang koordinasyon sa mga motorcycle apps para maprotektahan ang seguridad hindi lamang ng mga pasahero kundi pati na ang mga riders nito.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ng PNP ang publiko na tumawag sa 911 at ipagbigay-alam ang mga insidente sa mga kapulisan para sa agarang pagresponde dahil ang kailangan din ng kagawaran ang pakikipagtulungan ng komunidad para maisagawa ito.

Facebook Comments