
Nilinaw ni Defense Counsel Atty. Michael Poa na hindi nila intensyon na insultuhin si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag.
Ito ay matapos na mabanggit ang pangalan ng asawa ng nasabing NBI Director na si Congresswoman Ann Matibag sa naging cross examination ng defense team sa kanya sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Poa, kasama talaga sa cross examining ang pagtetest hindi lamang sa kredibilidad ng testigo kundi pati na sa personal biased nito.
Dagdag pa ni Poa, kahit sa panig ng proseksyusyon kapag panahon na ng depensa na ipresenta ang mga testigo nito ay sigurado na isa rin ito sa titingnan nila.
Nabatid na inamin ni Matibag na kabilang ang kanyang asawa sa mga nagendorso ng impeachment complaint laban sa bise presidente.










