Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga stakeholder na palawakin pa ang mga pagsisikap para matugunan ang banta ng isang global water crisis.
Nais ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na magkaroon ng malawakang pagpaplano patungkol sa water-related issues, kabilang dito ang access sa malinis na inuming tubig, sanitation, sustainable development at climate resilience.
Ani Loyzaga, mahalagang balikan ang mga nagdaang nakamit sa water conservation.
Ikinatuwa naman ng Kalihim ang positibong tugon ng pribadong sektor sa pagsusulong ng water conservation at mas pinahusay na operasyon sa pangangasiwa ng patubig.
Facebook Comments