DENR, sinimulan na ang dredging sa navigational lane ng Cagayan River

Sinimulan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dredging operations upang mabuksan ang eight kilometer common navigational channel sa bunganga ng Cagayan River.

Ayon kay DENR Secretary at Task Force Build Back Better Chair Roy Cimatu, ang pagtanggal ng bara ay magbibigay daan para sa rehabilitasyon at reopening ng Aparri port na mahigit sampung taon nang hindi napakikinabangan.

Bahagi ito ng ginagawang paagtanggal sa sandbars sa Cagayan River kung saan tatlo sa mga ito ang prayoridad na tuluyan nang matanggal sa Agosto.


Nagsagawa rin ng inspeksiyon ang DENR chief kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa sandbar clearing operation sa Lal-lo, Cagayan bago simulan ang groundbreaking ceremony sa Aparri.

Tinukoy na ng DPWH ang 19 na sandbars na tatanggalin ngunit inirekomenda ang agarang dredging sa tatlong sandbar na higit na humaharang sa daloy ng tubig baha sa Aparri Delta patungo sa Babuyan Channel.

Facebook Comments