
Kinumpirma ng Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy silang nakatatanggap ng reports hinggil sa Filipino Human Trafficking Victims (HTVs) na nata-trap sa iba’t ibang scam centers sa Southeast Asia.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang DFA sa kanilang Foreign Service Posts, partikular sa Thailand, Myanmar, Lao PDR, at Cambodia para matulungan ang mga biktimang Pinoy.
Nakikipag-ugnayan din ang DFA sa mga awtoridad sa naturang mga bansa para sa mabilis na pag-rescue at repatriation ng naturang mga Pinoy.
Nananawagan din ang DFA sa kaanak ng mga Pinoy na biktima ng human trafficking na na-trap sa Myanmar-Thai border na makipag-ugnayan sa Philippine Embassies sa Yangon at Bangkok.
Umaapela rin ang DFA sa mga Pilipino at sa Filipino communities sa abroad, na makipagtulungan sa mga awtoridad para maiwasan ang recruitment at pambibiktima sa Filipino na puwersahan ngayong pinagtatrabaho sa scamming operations sa Southeast Asia.









