
Nasa 20 indibidwal ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos ma-stranded sa pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa PCG, na-rescue ang mga ito sa magkakahiwalay na operasyon sa Jordan, Guimaras at Hamtic, Antique ngayong araw.
Sampung residente na na-trap dahil sa mataas na tubig baha ang nasagip sa Sitio Nabagatan, Barangay Poblacion, Jordan, Guimaras.
Bukod pa ito sa na-rescue na dalawang pamilya sa Hamtic, Antique na na-trap matapos na hindi na makadaan dahil sa mataas na tubig baha.
Bukod diyan, nasa 60 na pamilya o mahigit 240 indibidwal ang nasagip din ng PCG sa mga binahang lugar sa Saranggani.
Nailigtas sila kahapon matapos ang Facebook live ng isang residente, habang wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.










