Pag-proseso ng scholarship ng mga incoming 1st year college students, pansamantalang sinuspinde ng CHED

Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Higher Education (CHED) ang pag-proseso ng scholarship ng mga incoming 1st year college students.

Batay sa Facebook post ng CHED, wala muna silang ipo-prosesong scholarship ng mga incoming 1st year college para sa Academic Year (AY) 2022-2023 dahil sa kakulangan ng pondo.

Anila, kulang na ang kanilang pondo sa Student Financial Assistant Program (StuFAPs) para sa fiscal year (FY) 2022.


Kasabay nito, inatasan na ni CHED Chairperson Propero de Vera ang kanilang mga opisyal sa iba’t ibang rehiyon na ipakalat ang naturang impormasyon para maiwasan ang fake news at para hindi na malito pa ang mga mag-aaral.

Facebook Comments