District engineers sa DPWH-CARAGA, nagsumite na ng courtesy resignation

Kinumpirma ni Engr. Jose Ceasar Radaza, district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Butuan City District Engineering Office, na inutusan sila ng kanilang regional director na magsumite ng kanilang courtesy resignation.

Kaugnay pa rin ito ng isinasagawang paglilinis ng kagawaran dahil sa malawakang korapsyon na nauuwi sa pagbulsa ng bilyon-bilyong piso sa mga flood control project.

Pinagsama-sama umano ito ng kanilang regional office upang magkaroon na lamang ng isang submission mula sa iba’t ibang district offices sa CARAGA Region, lalo pa’t marami pang dapat gawin si bagong Sec. Vince Dizon para lang linisin ang kanilang kagawaran sa masamang imahe nito.

Samantala, ayon naman kay Radaza, wala pa silang natatanggap na memorandum mula sa kalihim hinggil sa layuning ito, ngunit noong Lunes, Setyembre 1, pa siya nagsumite ng kanyang courtesy resignation.

Nilinaw rin na ang hinihinging courtesy resignation ay para lamang sa kanilang posisyon at hindi para sa paglilingkod sa gobyerno.

Facebook Comments