
Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang patuloy nilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para palakasin ang post-repatriation assistance para sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).
Kabilang dito ang profiling, skills assessment, job matching, livelihood assistance, at National Reintegration Network Job Fairs sa iba’t ibang probinsya.
Iginiit ng DMW na hindi lamang ang ligtas na repatriation ang kanilang tinututukan, kundi maging ang pagbangon at panibagong simula ng repatriates kasama ang kanilang pamilya.
Sa pinakahulung ulat ng DMW, mahigit 10,000 na mga Pinoy ang napauwi ng bansa mula sa Middle East.
Kabilang dito ang dependents ng OFWs at ang non-OFWs.
Facebook Comments










