Thursday, May 21, 2026

Usapin ng pagbabago sa liderato ng Senado, nagpapatuloy ayon sa isang senador

Nagpapatuloy pa rin sa mataas na kapulungan ang usapin tungkol sa pagbabago sa liderato ng Senado na ngayon ay pinamumunuan ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Kung matatandaan, naging maugong ang isyu ng kudeta sa Senate leadership at ilang pangalan ng mga senador mula sa minorya ang lumutang na ipapalit kay Cayetano.

Ayon kay Senator Erwin Tulfo, nagpapatuloy ang usapin sa leadership change lalo’t kung titingnan ang numero, lumalabas ngayon na 12 na lang ang mayorya matapos na makalabas ng Senado si Senator Bato dela Rosa habang 11 ang mga myembro ng minorya.

Kung sakali, isa lamang aniya ang kailangan nila para maging 12 ang bilang at maging majority.

Dahil manipis ang bilang ng majority bloc, inamin ni Tulfo na matutukso talaga dahil isa lang ang tumawid sa kanila mula sa mayorya ay tapos na ang boksing o ang laban.

Hindi naman sinagot ni Tulfo kung mayroon na silang kinukumbinsi mula sa mayorya para lumipat sa kanilang grupo.

Facebook Comments