Wednesday, May 20, 2026

DOJ, nakakita ng matitibay na batayan sa Senate gun-related incident; posibleng kaso, pinag-aaralan na

Sisimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang mas malalim na pagsusuri sa timeline at resulta ng paunang imbestigasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa gun-related incident sa Senado noong May 13.

Ayon kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida, nasa panel of prosecutors na ang mga ulat mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at PNP para masusing beripikahin ang mga ebidensya, video, at kabuuang pangyayari.

Hindi lamang nakatutok ang DOJ sa insidente noong May 13 at 14, dahil iniutos na ring silipin ng panel ang buong pangyayari mula May 11 hanggang May 14 upang matukoy ang kabuuang daloy ng mga kaganapan.

Sinabi rin ni Vida na may mga natukoy nang posibleng managot, ngunit hindi muna niya ito idinetalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at evaluation ng panel.

Giit ng DOJ, mahalagang mapatunayan muna ang lahat ng ebidensya at timeline upang matiyak na katotohanan lamang ang pagbabatayan sa paghahain ng mga kaso.

Facebook Comments