Thursday, May 21, 2026

DOJ kinumpirma na may aplikasyon na para sa Interpol Red Notice kay Sen. Dela Rosa

May aplikasyon na para sa Interpol Red Notice kay Senator Bato Dela Rosa.

Ito ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) ngayong ipinaaaresto na si Dela Rosa sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) matapos walang ilabas na temporary restraining order sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sa pagkakaalam niya ay may aplikasyon na para sa red notice laban sa senador.

Hind kasi aniya pwedeng maglabas ng Hold Departure Order laban kay Dela Rosa dahil kakailanganin nitong magmula sa isang korte.

Sabi ni Martinez, sa ngayon ay wala namang namonitor na paglabas ng bansa ni Dela Rosa batay sa impormasyon mula sa Bureau of Immigration (BI).

Noong nakaraang linggo nang ianunsiyo ni DOJ Secretary Eric Vida na nasa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin Order na si Dela Rosa.

Facebook Comments