Matipid ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbabago sa liderato ng Senado kasabay ng mga pangyayari sa Mataas na Kapulungan.
Sa ambush interview sa Mandaluyong City, sinabi rin ng pangulo na marapat na hintayin na lamang ang mga susunod na pangyayari.
Kinumpirma ng pangulo na nakita niya ang mga nangyari sa Senado.
Sinabi rin ni Palace Press Officer Claire Castro, na dismayado ang pangulo sa nangyaring kaguluhan sa Senado, lalo’t dati rin itong naging senador.
Makikita aniya sa naging reaksyon at mga tanong ng pangulo sa Cabinet secretaries na hindi nito ikinatuwa ang mga nangyayari sa Senado.
Facebook Comments










