Saturday, May 23, 2026

Special non-working day, idineklara sa ilang lugar sa bansa ngayong Hunyo

Nagdeklara ang Malacañang ng special non-working day sa ilang bayan sa bansa ngayong Hunyo kaugnay ng mga local festival at founding anniversary.

Sa June 17, walang pasok sa Bingawan, Iloilo para sa Pagnahi-an Festival, at sa Laoac, Pangasinan para sa anibersaryo ng bayan.

Idineklara rin ang June 18 bilang special non-working day sa Don Carlos at Lantapan sa Bukidnon, pati sa Kiblawan, Davao del Sur bilang bahagi ng kanilang founding anniversary.

Samantala, walang pasok sa June 22 sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte para sa Marcos Town Day, gayundin sa Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte at Villaverde, Nueva Vizcaya para sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Kasama rin sa deklarasyon ang June 25 sa Conner, Apayao at Sagada, Mountain Province bilang paggunita sa founding anniversary ng mga bayan.

Nakasaad ang mga deklarasyon sa magkakahiwalay na proklamasyong inilabas ng Office of the Executive Secretary.

Facebook Comments