Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga employer sa bansa na magkaroon ng random COVID-19 tests sa kanilang mga empleyado kada dalawang linggo.
Ito ay kasunod na rin ng patuloy na pagbubukas ng ekonomiya.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nadedetect ng mga rapid test ang presensya ng antibodies, na nakikita lamang sa pagitan ng ikalima at ikapitong araw ng sakit.
Hindi naman inirerekomenda ang mass screening at sa halip ay random sample lamang ng mga manggagawa.
Nilinaw din ni Vergeire na hindi rin nila iminumungkahi ang “indiscriminate” nasal swab tests, na sinasabing mas accurate kumpara sa rapid tests.
Facebook Comments