DOH, nakapagtala ng 3 bagong kaso ng BA.5 na Omicron subvariant at 7 pang kaso ng BA.2.12.1

91

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang naitala nilang 3 bagong kaso ng Omicron BA.5 subvariant at 7 pang kaso ng BA.2.12.1 sa pinakahuling genome sequencing.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, sa 3 bagong BA.5 cases, 2 rito ay mula sa Calabarzon habang inaalam pa ang address ng isang pasyente.

Inaalaman din ng DOH ang travel history ng mga ito bagama’t sila ay gumaling na.


Sinabi ni Vergeire na kapag lumabas na walang travel history ang 3 bagong kaso, nangangahulugan ito na may posibilidad na magkaroon ng local transmission ng BA.5.

Facebook Comments