AGARANG TAAS PASAHE HILING NG TRANSPORT SECTOR SA PANGASINAN SA KABILA NG PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG KRUDO

24
Hinihiling ngayon ng transport sector sa lalawigan ng Pangasinan na agarang ipasa ang kanilang hinihiling na taas pasahe sa kabila ng patuloy na pagtaas din ng presyo ng langis.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay AUTOPRO Pangasinan President Bernard Tuliao, malaking balakid na aniya nila ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at langis kung saan ngayong araw ng Martes, ika-7 ng hunyo nagtaas muli ito.
Aniya ang limang pisong kahilingan nila ay matagal na at umaasa silang matutupad ito dahil luging-lugi na aniya ang mga drivers at operators sa Pangasinan.

Sa ngayon ay umaasa silang mapagbibigyan ito sa lalong madaling panahon upang makasabay sa napakataas na presyo ng produktong petrolyo. | ifmnews
Facebook Comments