Patuloy na ipatutupad ng Department of Health (DOH) ang kasalukuyang pandemic response protocols kahit wala pang naitatalagang kalihim dito.
Ayon sa DOH, hindi makakaapekto sa COVID response ang kakulangan ng mamumuno sa kagawaran gayundin ang trabaho ng bawat isa.
Sa pahayag pa ng DOH, lahat ay status quo hanggang may bagong direktiba ang bagong pangulo ng bansa.
Pangangasiwaan umano ng mga senior DOH officials ang lahat ng pagtugon sa COVID-19 at non-COVID-19 habang hinihintay ang anunsyo para sa bagong kalihim ng DOH.
Patuloy rin sa pagmo-monitor ang DOH sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa hinggil sa pandemic at gagawin din nila ang kanilang trabaho para sa publiko.
Facebook Comments