DOH, wala pang balak na gayahin ang ilang bansa sa Asya na nagtanggal na ng face mask

Wala pang balak ang Department of Health (DOH) na magluwag sa pagsusuot ng face mask.

Ayon kay Health Officer-in-Charge Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi pa handa ang Pilipinas na gayahin ang Singapore at ilang karatig na bansa dahil may mga puwang pa sa healthcare system ng bansa.

Ipinaliwanag ni Vergeire na hangga’t may COVID-19 patients pang nasa severe at kritikal na kalagayan at may mga namamatay pa sa infection ay hindi pa nila irerekomenda ang boluntaryong pagsusuot ng face mask.


Sa ngayon aniya, isinusulong pa rin nila ang pagpapalakas ng immunization sa mga komunidad.

Iniulat din ni Vergeire na may mga ilang bahagi pa ng bansa ang nakapagtatala ng mataas na kaso ng severe at critical cases ng COVID-19 kaya hindi pa napapanahon ang pag-alis ng face mask.

Facebook Comments