DOJ, handang isailalim sa WPP ang pamilya ng UST student na napatay sa hazing

Manila, Philippines – Handa ang Dept. of Justice na isailalim sa Witness Protection Program ang pamilya ng UST law student na namatay sa hazing.

Ayon kay Justice Undersec. Erickson Balmes, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na pormal na kahilingan mula sa mga magulang ni Horacio Tomas Castillo III.

Kahapon, inatasan na ni Justice sec. Vitaliano Aguirre ang NBI na imbestigahan ang pagkamatay ng UST student


Kabilang sa direktiba ni Aguirre ang agarang pagsusumite sa kanya ng resulta ng nasabing imbestigasyon.

Facebook Comments