DOLE, NAGDAOS NG FORUM PARA SA CAREER DEVELOPMENT SUPPORT PROGRAM

Cauayan City – Nagdaos ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 na naglalayong palakasin ang Career Development Support Program (CDSP) upang mapabuti ang kakayahan ng kabataan at mga naghahanap ng trabaho sa Cagayan Valley.

Ayon kay DOLE Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr., bagamat hindi bahagi ng tradisyunal na mandato ng DOLE ang career guidance, sinimulan nila ito upang matugunan ang isyu ng job skills mismatch.

Layunin naman ng programa na tulungan ang mga tao na pumili ng tamang karera at maghanda para sa makabuluhan at angkop na trabaho.


Tinalakay ni Ryan Roberto Delos Reyes, Senior Labor Employment Officer ng DOLE NCR, ang mga pangunahing bahagi ng programa, kabilang ang mga module para sa Grade 10 at mga estudyante sa kolehiyo, pati na rin ang pagbuo ng mga job placement office.

Samantala, bilang suporta, ibinahagi ni DOLE Employment Unit Head Kathlyn Sabado ang Regional Jobs and Labor Market Forecast para sa 2024–2026, na nagbigay ng impormasyon tungkol sa mga posibleng work opportunities.

Facebook Comments