DRAINAGE SYSTEM SA BRGY DISTRICT 3, KASALUKUYANG INAAYOS

Cauayan City – Kasalukuyan ang ginagawang pagsasaayos ng Drainage Canal sa Barangay District 3, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kina Barangay Kagawad Talosig at Corotan, prayoridad na maisaayos at malinisan ang drainage system sa kanilang lugar.

Sinabi ng mga ito na pangunahing sanhi ng baradong kanal at hindi maayos na daluyan ng tubig sa kanilang lugar ay ang mga naipong basura at tumubong damo, na nagdudulot ng putik at pagbaha.


Kabilang ang District 3 sa mga lugar na itinuturing na “red flag,” lalo na sa mabababang bahagi ng Purok 6 at Purok 7, na posibleng maapektuhan ng pagguho ng lupa kung hindi agad maaayos ang drainage system.

Samantala, naglaan naman sila ng 20% na pondo mula budget ng barangay para sa proyektong ito.

Facebook Comments