PAGSAKAY SA BUBONG NG MGA SASAKYAN, IPINAGBABAWAL SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City – Mahigpit na ipagbabawal ng Public Order and Safety Division ang taploading o pagsakay ng tao o bagay sa bubong ng sasakyan, partikular na sa mga sasakyan na patungo sa Forest Region, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, agad nilang ipagbibigay-alam sa Land Transportation Office (LTO) ang sinumang mahuling lalabag, upang sila na mismo ang humuli at magpatupad ng nararapat na parusa.

Kasama sa ipinagbabawal na isakay sa bubong ng mga sasakyan ay ang mga semento, palay, mais, at higit sa lahat ay ang mga taong pasahero.


Pinaalalahanan din ni Malillin ang publiko na ang umiiral na polisiyang ito ay hindi umano para manggipit, kundi upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat at maiwasan ang mga aksidente na maaaring mangyari.

Facebook Comments