
CAUAYAN CITY – Inilunsad kahapon, ika-labing tatlo ng Marso ang Kabalikat sa Kabuhayan Farming Program sa SM CITY Cauayan.
Ayon kay Assistant Vice President Cristie Angeles ng SM Foundation Livelihood and Outreach Program, ang programa ay dinaluhan ng mga 100 magsasaka mula sa bayan ng Quirino, Isabela na qualified Sustainable Livelihood Program (SLP) beneficiaries, at kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa nabanggit na programa, sasailalim sa 14-week na pagsasanay ang mga kalahok na pangungunahan ng St. Isidore “The Farmer” Learning Center, Inc.
Kaugnay nito, layunin ng programa na ipakilala ang iba’t ibang planting techniques and equipment sa mga magsasaka para sa pagtataguyod ng sustainable agriculture sa lalawigan.
Samantala, ayon naman kay Mr. Rowinson Valmonte, pagkatapos ng pagsasanay ay tutulungan nila ang mga kalahok na mabenta ang kanilang mga produkto.
Ang programang ito ay inistyatibo ng SM Foundation katuwang ang Department of Agriculture (DA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Science and Technology (DOST), Local Government of Cauayan City at St. Isidore “The Farmer” Learning Center, Inc.