DRAYBER AT PASAHERO NG KOTSE, SUGATAN SA BANGGAAN SA SISON

Sugatan ang 32-anyos na driver ng kotse at ang pasahero nito matapos mabangga ng bus ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Cauringan, Sison, Pangasinan noong Marso 7, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Sison Municipal Police Station, palabas ng TPLEX–Cauringan Exit ramp ang kotse patungong National Highway.

Nang pumasok ito sa interseksyon, nabangga ang kaliwang bahagi nito ng paparating na bus, na minamaneho ng 47-anyos na driver mula Bataan.

Dahil sa lakas ng banggaan, tumilapon ang kotse at bumangga pa sa isang trailer truck na nakaparada sa outer lane ng kalsada malapit sa interseksyon.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver at pasahero ng kotse at agad silang isinugod sa ospital, habang dinala naman sa kustodiya ng Sison Municipal Police Station ang mga sangkot na sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments