Bilang bahagi ng aktibidad, tinalakay ang mga nagawa ng administrasyong Duterte pangunahin na ang agenda nitong “Serbisyong may TApang at MAlasakit” (TAMA) kung saan binigyang diin din ang pagpapatupad sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC alinsunod sa Executive Order No. 70 ng Pangulo.
Dito ay personal na iniabot nina Regional Director Cezario Joel Espejo; Deputy Chief PNP for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia; Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Joel Egco, at Philippine National Police Region 02 Director Police BGEN Steve Ludan ang tulong na Family Food Packs (FFPs) at tig P5,000 cash assistance sa tatlong (3) dating rebelde.
Nakatakda rin bigyan ng nasabing ahensya ang pito (7) pang former rebels ngayong buwan ng Mayo.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa kabuuang 444 na FRs at kanilang mga pamilya ang natulungan ng DSWD simula pa noong taong 2020 sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng ahensya tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Sustainable Livelihood Program-Livelihood Settlement Grant (SLP-LSG), at pamamahagi ng Non-Food Items (NFIs) at Family Food Packs (FFPs) alinsunod na rin sa EO no. 70 na layong matulungang makabangon at makapagbagong buhay ang mga naligaw ng landas.
Samantala, nagsilbi rin one-stop hub ang isinagawang caravan para sa mga kliyenteng mag-aavail ng mga serbisyon ng nasabing ahensya, o di kaya’y magtatanong tungkol sa AICS, Modified Conditional Cash Transfer (MCCT), Social Pension, tulong sa mga FR at iba pa.