Manila, Philippines – Hindi pa masabi ng Armed Forces of the Philippines kung magkano na ang operational expenses o nagagastos ng Pamahalaan sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi city sa pagitan ng militar at Teroristang Maute Group.
Nabatid na 44 na ang lumilipas simula nang sumiklab ang gulo sa Marawi city kung saan umabot na sa 343 na terorista, 39 ang sibilyan at 85 sundalo at pulis ang napatay sa bakbakan.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, sa ngayon ay patuloy ang ginagawang assessment at paglikom ng mga kinakalilangang impormasyon upang makuha kung magkano na ang nagastos ng Pamahalaan sa bakbakan sa marawi City.
Tiniyak naman ni Padilla na ilalabas agad nila ang detalye sa oras na matapos ang ginagawa nilang pangangalap ng impormasyon.