
Inaatake na umano ng mismong liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano ang mataas na kapulungan ng kongreso.
Ito ang iginiit ni Senator Ping Lacson dahil sa patuloy na utos ni Cayetano sa mga miyembro ng mayorya na i-boycott o huwag dumalo sa sesyon.
Sinabi ni Lacson na walang ibang umaatake ngayon sa Senado kundi ang mismong sariling liderato ni Cayetano na sa halip na manguna sa sesyon ay patuloy ito sa kaniyang Facebook livestream.
Sinang-ayunan din ni Lacson na totoong under attack ang Senado ng present leadership at nakakalungkot aniya ito.
Samantala, nauna na ring umapela si Lacson sa majority bloc members maliban kay SP Cayetano na dumalo na sila sa sesyon at gampanan ang tungkulin bilang mga mambabatas.
Sinabi pa ng senador na ang tanging pinoprotektahan lang ni Cayetano ay ang kanyang Senate Presidency position at power at sa tingin niya ay wala namang pakinabang dito ang mayorya.










