Wednesday, June 3, 2026

SP Cayetano, sinampahan ng ethics complaint

Sinampahan ng ethics complaint si Senate President Alan Peter Cayetano at mga miyembro nito sa dating majority.

Ang ethics complaint ay inihain ng estudyanteng si Mark Joseph Duque.

Ang ethics complaint ay nag-ugat sa dalawang magkasunod na araw na hindi dumalo ng sesyon ang mga mambabatas mula sa dating mayorya.

Gross neglect of duty at paglabag sa Senate Code of Ethics ang reklamo dahil sa pag-boycott ng mga ito sa June 1 at 2 plenary session.

Iginiit ng complainant na ang aksyon ni Cayetano at mga senador na nasa ilalim nito ay nagbigay ng negatibong impact sa kapakanan ng publiko.

Facebook Comments