Ang inarestong suspek ay isang biyuda, walang trabaho, at residente ng Barangay Arellano, Mangatarem. Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Municipal Circuit Trial Court ng Urbiztondo-Basista, Pangasinan.
Nahaharap ang akusado sa kasong Estafa through Falsification of Public Document sa ilalim ng Criminal Case No. 2024-26-B na may petsang Hunyo 2, 2026. Ayon sa korte, itinakda ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado sa halagang P36,000.
Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang suspek sa himpilan ng Mangatarem Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa hukuman.
Ayon sa pulisya, bahagi ng kanilang patuloy na kampanya ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest upang matiyak na ang mga taong may kinahaharap na kaso ay mananagot sa ilalim ng batas. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







