
Pumalag si Senator Robinhood Padilla laban sa mga kritiko na bumatikos sa kanya tungkol sa pagbibigay niya ng depinisyon sa “force majeure”.
Sa Facebook post ng senador, sinabi niya rito na iba talaga ang pangangatwiran ng genius at highest level ang pagkapilosopo.
Sinabi rin niya na sa kalye na lang itanong ng mga kritiko kung si Senator Bato dela Rosa ay sadyang ayaw ba magtrabaho o hindi pinapayagan na makapagtrabaho dahil ikukulong sa abroad.
Naunang iginiit ni Padilla na payagang dumalo sa sesyon si Dela Rosa sa pamamagitan ng teleconference o videoconference dahil mayroon namang maituturing na “force majeure” na kanyang tinukoy na dahilan para payagan ang kasamahan.
Ipinunto ni Padilla na “force majeure” na matatawag ang Middle East war, China-Taiwan conflict at maging ang El Nino phenomenon.
Gayunman, nakasaad sa rules ng Senado na papayagan lamang ang mga senador sa virtual attendance kung ang hindi inaasahang pangyayari o force majeure ay talagang makakapigil sa kanila para pisikal na dumalo sa sesyon at mga pagdinig.










