ELECTRICAL FAILURE | 800 pasahero ng MRT, pinababa dahil sa aberya

14

Manila, Philippines – Maagang aberya sa tren ang sumalubong sa mga pasahero ng Metro Rail Transit ngayong araw.

Alas 5:30 kaninang umaga nang pababain sa Cubao station ang nasa 800 pasahero ng MRT-3.

Nagkaroon kasi ng electrical failure ang motor ng tren.

Mula sa 12 tren na napa-biyahe kahapon, balik sa siyam ang bilang ng mga tren na operational ngayon.

Samantala, paalala muli sa mga pasahero, simula bukas, Miyerkules Santo tigil-operasyon muna ang MRT hanggang sa linggo para bigyang-daan ang kanilang maintenance work.

Facebook Comments